Ang oras ng panalangin Ay matamis nga sa akin; Tinatawag akong tambing Sa Ama kong maawain! Sa panahong natutukso Sa mga daya ng lilo, Tumawag at pasaklolo Sa kamay ni Jesu-Kristo!
Sa oras ng panalangin, Ako ay Kanyang diringgin; At kung Siya'y hihintayin, Ako ay pagpapalain. Katiwasayang tahimik Kay Jesus na ipapalit Salinggatong at hinagpis Sa aki'y gumigiyagis.
Oh! oras ng panalangin, Ako ay iyong aliwin Hanggang sa Pisga'y mamasdan Ang inihandang tahanan. Sa pagtawag N'ya sa akin Upang Siya'y salubungin, Akin namang aawitin Ngalan Niyang masintahin.